Unahin ang iyong kalusugan
I-book ang iyong pagsusuri sa suso
Ano ang pagsusuri sa suso?
Ang pagsusuri sa suso (mammogram) ay larawan ng suso sa X-ray. Mahahanap ng mga pagsusuri sa suso ang mga kanser na masyadong maliit para makita o madama. Mas maraming kababaihan ang nagiging ligtas sa kanser sa suso sa kasalukuyan salamat sa maagang pagkatuklas at mas mahuhusay na mga paggamot.
Nanganganib ba ako?
1 sa 7 kababaihan sa Victoria ay magkakaroon ng kanser sa suso sa kanilang buhay.
Karamihan sa mga babaeng may kanser sa suso ay walang kasaysayan ng karamdamang ito sa kanilang pamilya.
Ang edad ang pinakamalaking panganib sa pagkakaroon ng kanser sa suso.
Kailangan ko ba ng pagsusuri sa suso?
Ang maagang pagkatuklas ay nagliligtas ng buhay
May edad na 50-74?
Dapat kang magpasuri tuwing ikalawang taon.
Nasa edad ka ba ng 40 o mahigit 75?
Kausapin ang iyong doktor upang malaman kung ang pagsusuri sa suso ay nararapat sa iyo.
Mas bata sa 40?
Ang mga pagsusuri sa suso ay hindi mabisa para sa mga kababaihang mas bata sa 40 taon.
Ang pagsusuri sa suso
ay libre
ay isinasagawa ng mga
babaeng radiographer.
tumatagal ng mga
10 minuto
ay makukuha sa buong Victoria
sa isang klinika na malapit sa inyo
Hindi kailangan ng
rekomendasyon ng isang doktor
Magkaroon ng kamalayan sa suso
Alamin ang normal na hitsura at dama ng iyong mga suso. Makipagkita sa iyong doktor kung may napupuna kang anumang hindi pangkaraniwang mga pagbabago.
Tanungin ang iyong doktor tungkol sa iyong panganib sa kanser sa suso at ang pangangailangang magpasuri.
Download:
- Put your health first – Unahin ang iyong kalusugan
- Information sheet – BreastScreen Victoria Papel-pangkaalaman
- Registration form – Pormularyo sa Pagrehistro at Pagsang-ayon
- Assessment service - Tungkol sa iyong pagbisita sa Serbisyo ng Pagtatasa
- Privacy - Pagkapribado
Pinatatakbo ng mga babae, para sa mga kababaihan
TTY 13 36 77 kung ikaw ay may kahirapan sa pandinig o pananalita